Habang papalapit ang buwan ng November, marami sa atin ang nag-e-excite. Costume parties, nakakatakot na dekorasyon, at mga batang nagta-“trick or treat” — parang masaya, ‘di ba?
Pero sandali lang… dapat ba talaga nakikicelebrate ang mga Kristiyano sa Halloween?
At kung tutuusin, harmless lang ba talaga ito — o may mas malalim na espiritwal na panganib na hindi natin napapansin?
Halloween: Fun lang ba o may halong kadiliman?
Sa unang tingin, mukhang wala namang masama sa pag-costume at pagpunta sa parties. Pero alam mo ba na ang Halloween ay nagmula sa pagan at occult practices?
Ang pinagmulan nito ay ang Samhain, isang ancient Celtic festival kung saan naniniwala sila na sa gabi ng Oktubre 31, bumabalik ang mga patay sa mundo ng mga buhay.
Nag-aalay sila ng pagkain, nagsusuot ng maskara para hindi sila makilala ng masasamang espiritu, at minsan ay nagsusunog ng hayop bilang alay.
Ang tanong ngayon:
Dapat ba tayong makiayon sa ganitong tradisyon na may ugat sa kadiliman — kahit sabihin nating “for fun” lang?

Ang Biblia ay malinaw tungkol sa pakikilahok sa kadiliman
Sabi sa Efeso 5:11,
“At huwag kayong makibahagi sa mga walang-kabuluhang gawa ng kadiliman, kundi bagkus ay inyong sawayin ang mga iyon.”
Hindi sinabi ng Diyos na “okay lang basta hindi mo sinasadya” o “okay lang basta costume lang.”
Sinabi Niya, huwag makibahagi.
Kapag ipinagdiriwang natin ang isang okasyong may halong occult at kasinungalingan, kahit hindi natin sinasadya, para na rin tayong nagbubukas ng pintuan sa espiritu ng kadiliman.
Ang Halloween ay taliwas sa kalikasan ng Diyos
Sabi sa 1 Tesalonica 5:22,
“Layuan ninyo ang lahat ng anyo ng kasamaan.”
Ang mga simbolo ng Halloween — mga bungo, multo, witches, at demonyo — ay malinaw na mga representasyon ng kasamaan.
Bilang mga anak ng Diyos, tinawag tayong maging ilaw sa gitna ng kadiliman, hindi makibahagi rito.
Sabi ni Jesus sa Juan 8:12:
“Ako ang ilaw ng sanlibutan; ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.”
Kung si Cristo ang ating ilaw, bakit tayo magdiriwang ng araw na puno ng dilim?
“Pero hindi naman ako naniniwala sa mga espiritu — costume lang ‘to!”
Maraming nagsasabi niyan. Pero isipin mo ito:
Kung ikaw ay anak ng Diyos, bakit mo gusto magmukhang nilalang ng kaaway?
Ang demonyo ay hindi biro. At gusto niya, kahit sa “harmless” na paraan, mailihis tayo sa katotohanan.
Sabi sa 2 Corinto 6:14–15,
“Anong pakikisama ng kaliwanagan sa kadiliman?… O anong pagkakasundo ni Cristo kay Belial (Satanas)?”
Walang gitna. Kung hindi ito para sa Diyos, para ito sa kaaway.
Ano ang dapat gawin ng mga Kristiyano sa halip?
Hindi natin kailangang makibahagi sa Halloween para “makisabay sa mundo.”
Bilang mga Kristiyano, pwede tayong mag-celebrate ng life, light, at truth.
Sa halip na “trick or treat,” bakit hindi gumawa mga mabubuting gawa upang magsilbi tayong ilaw sa mundong ito? Magbasa ng Bible stories, mag-worship, magpasalamat sa Diyos sa Kanyang kabutihan.
Ito ang panahon para ipakita sa mga bata at sa mundo na ang tunay na saya ay hindi sa kadiliman, kundi sa liwanag ni Cristo.
Pangwakas na Paalala
Hindi mo kailangang makisabay sa mundo para maging masaya.
Sabi ni Pablo sa Roma 12:2,
“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang inyong mapatunayan kung alin ang mabuti, kalugud-lugod, at ganap na kalooban ng Diyos.”
Ang Halloween ay hindi simpleng kaganapan — ito ay paalala kung sino talaga ang sinusunod natin.
At bilang mga Kristiyano, pinili nating sundan ang Liwanag, hindi ang dilim.
Kaya ang tanong ngayon ay ito:
Sa darating na Halloween, kaninong espiritu ang sasalubungin mo — ang espiritu ng mundo, o ang Espiritu ng Diyos?
