Ang Pitong Hinde Maikakailang Patunay na Mayroon Diyos

Wala na sigurong mas importanteng tanong na dapat nating alamin bilang mga nilalang dito sa lupa kundi ang tanong na ito:

Totoo bang may Diyos? Totoo bang tayo ay nilikha ng isang mapagmahal at makapangyarihang Diyos? Totoo bang lahat ng ating nakikita ay ginawa ng Panginoon o aksidente lamang tulad ng tinuturo sa atin ng Theory of Evolution?

Kaibigan, ngayong araw, nais namin patunayan sayo na merong Diyos. Nais naming tulungan ka na mas lalong lumakas at tumatag ang iyong pananampalataya kay Yahweh na syang lumikha ng lahat.

Hinde ko na patatagalin pa. Heto ang pitong hinde maikakailang patunay na mayroon Diyos. Halina’t tuklasin ang mga katunayang ito.

Upang pruweba: Kapag may nilikha, may Lumikha

Nais kong isipin mo ito kaibigan. Naglalakad ka sa tabing dagat at may nakita kang relo. Pwedeng ang relong ito ay Seiko, Timex, o kahit Rolex.

Maiisip mo ba na ang relong ito ay kusang nabuo? Pano kung sasabihin ko sayo na ang relong ito ay nabuo matapos ang bilyong bilyong taon ng “evolution.” Kusa na lang ang mga elemento ay nagsama-sama. May naging una at pangalawang kamay, naging gears, naging salamin, naging mga numero, at kung ano ano pang kailangan upang mabuo ang relo. Hinde lang yan, yung mga elementong eto ay kusang nagpatong patong, nagkadikit-dikit sa eksaktong lugar, at naging relong kayang sabihin sayo ang eksaktong oras!

Maniniwala ka bang ang relong ito ay basta na lang sumulpot sa dagat na walang sinuman ang may gawa? Hinde ba’t hinde papasok sa isip mo na ang relong ito ay galing sa dagat? Kung ikaw ay magiging totoo sa sarili mo, masasabi mo ang kwentong ito ay napakalaking kahibangan at kasinungalingan! Ngunit, alam mo ba na ang nag-iisang cell sa katawan mo ay mas komplikado pa kesa sa isang relo! Hinde pa kasali ang napakakomplikadong kalawakan na nating nakikita ngayon.

Kung ganun, ang buong nilikha ay hinde lang basta basta lumitaw na walang gumawa. Ito ay isang pruweba na kung merong nilikha, merong lumikha at sa kasong ito, ang Lumikha ay walang iba kundi si Yahweh na ating Ama.

Sa makatuwid, ang turo ng Bibliya ay tama nung sinabi sa Genesis 1:1:

Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.

Pangalawang pruweba: Walang buhay kung walang nagbigay ng buhay

Sa science o agham, mayroon tayong tinatawag na Law of Biogenesis. Pansinin nyo, ito ay isang Law at hinde theory. May malaking kaibahan ang Law sa Theory kung ikaw ay tumatalakay hinggil sa science.

Pag sinabi mong law, ito ay napatunayan na. Pag sinabi mong theory, ito ay isang tiyorya lamang at hinde pa napapatunayan.

Kung ganun, sa pagitan ng Law of Biogenesis at Theory of Evolution, ang buong scientific community ay naniniwala sa Law of Biogenesis sapagkat ito ay napatunayan na at hinde tulad ng Theory of Evolution na hanggang ngayon ay nananatiling haka-haka lamang.

Bakit ko sinasabi sa inyo to? Sinasabi ko ito dahil ang Law of Biogenesis ay nagsasabing ang buhay ay pwede lang magmula sa isa pang may buhay. Ibig sabihin, ang aso ay magmumula lang sa aso. Ang pusa ay mula sa pusa. Ang tao ay mula sa tao. Ang kalabaw ay magmumula lang sa kalabaw.

May nakita ka na bang bato na naging isda, aso, pusa, o kalabaw? Nakakatawa diba ngunit heto ang tinuturo ng Theory of Evolution! Nakakalungkot pero sa ating mga iskwelahan at unibersidad, tinuturo ang Theory of Evolution na para bang isang napatunayang katotohanan na sa katunayan ay hinde naman! 

Dahil totoo ang Law of Biogenesis, ang buhay na ating nakikita ngayon ay magmumula lamang sa isa pang may buhay at sa kasong ito, ang Buhay na yun ay si Yahweh na syang may lalang.

Alam nyo ba na si Sir Fred Hoyle, isa sa mga pinakatanyag na astrophysicists sa Britanya ay nagsabing ang tsansang ang buhay ay nagsimula bilang aksidente lamang ay may tsansang 1 is to 10 to the 40,000th power! At alam nyo ba na kung ano man ang mas tataas ba sa 1 is to 10 to the 50th power ay tinatawag ng imposibleng mangyari pero heto, hinde lang 50th power pero to the 40,000th power!

Makikita na hinde lang imposible na manggaling ang buhay mula sa hinde buhay, kundi imposibleng-imposible talaga!

Makikita nyo na napakaimposibleng ang buhay natin ay isang aksidente lamang dito sa kalawakan. Ang tanging eksplanasyon lamang na ating makukuha mula sa lahat ng ito ay ang buhay ay ginawa at binigay ng Diyos.

Tunay nga ang sinasabi sa Genesis 2:7:

Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

Ikatlong pruweba: Ang batas ay nangangailangan ng Tagabigay ng batas

Napansin mo ba kaibigan na sa ating mundo may mga natural na batas na umiiral. Sa kalawakang pinaniniwalaang gawa lang ng tsamba at swerte, maari mo bang mapaliwanag ang nakamamanghang precision at di nagbabagong mga natural na batas?

Bakit sa tuwing may bagay na binitiwan mo ay babaksak ito sa lupa? Bakit sa tuwing gigising ka sa umaga, alam mo na sisikat ang araw? Bakit sa tuwing gagalaw ang isang bagay ay hihinto ito pag wala ng enerhiya? Bakit ang napakalaking barko ay kayang lumutang sa dagat ngunit ang isang barya na napakaliit at magaan ay lumulubog sa tubig?

Lahat ng ito ay dahil sa mga natural na batas sa ating paligid. Hinde sila nagbabago at laging pareho. Ang lahat ng batas na makikita natin sa kalawakan ay dapat nandyan bago pa man magkaroon ng buhay sa ating mundo. Kahit isa sa mga batas na ito ay nagbago at nag-iba ng kahit konte lang, lahat ng buhay ay mawawala o imposibleng magkaroon ng buhay.

Malinaw, kung merong batas, merong nagbigay ng batas at iyon ay ang ating Diyos.

James 4:12 ay nagsabi:

Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom.

Sa madaling salita, ang Diyos lamang ang nag-iisang nagbigay ng natural na batas para sa ating mundo at sa buong kalawakan.

Ika-apat na pruweba: Kailangan ng Tagapanatili ng Batas

Oo, may mga natural na batas sa ating kalawakan. Ngunit, tulad ng batas ng tao, kailangang merong magpanatili nito.

Hinde pwedeng basta basta na lang ibigay ang batas. Kailangan din itong panatilihing umiral sa lahat ng oras at panahon.

Kaya nga, hinde mo makikita ang isang aso na nanganak ng aso noong nakaraang taon tapos manganganak sya ng kuting ngayong taon. Hinde mo makikita ang mga puno ng mangga na mamumunga ng bayabas. Wala ka ding makikitang tao na pagkatapos lumundag ay hinde na bumalik ang mga paa sa lupa.

Kaibigan, ang ating Diyos ay hinde lamang nagbigay ng mga batas ngunit sya rin mismo ang nagpapanatili nito.

Ika-limang pruweba: ang mga desenyo ay nangangailangan ng Taga-Desenyo

Nakikita mo ba kung gaano kaganda ang ating mundo? Marahil, nasubukan mo ng pumunta sa bundok, sa dagat, o sa gubat. Kahit na sa paglubog at pagsikat ng araw — makikita mo ang lubos na kagandahan ng ating mundo.

Kahit na tumingin ka sa kalawakan na puno ng pagkagiba at pagkasira, makikita mong kamangha mangha pa din silang tingnan.

Lahat ng nga desenyong iyong nakikita ay hinde maaring nanggaling lang sa theory of Evolution. Lahat ng kagandahang nakikita mo ay dinesenyo ng nag-iisang makapangyarihan, matalino, at malikhaing Diyos.

Kung namangha na tayo sa mga bagay na nakikita ng ating mga mata, paano pa kaya kung gagamit tayo ng microscope para makita ang napakaliit na mga bagay dito sa mundo?

Pansinin natin ang DNA ng isang tao. Kung hinde mo po alam, kaibigan, ang ating DNA ay merong mga codes o languages na sobrang komplikado. Alam mo ba na ang ating DNA ay merong 3 billion genetic letters – 3 billion! Ito ay katumbas ng 12 sets ng The Encyclopedia Britannica o 384 volumes ng mga libro na kayang punuin ang 48-feet na library shelves!

Ang DNA ay nagtataglay ng inpormasyon at ang impormasyon ay hinde material. Hinde ito nahahawakan kundi ang impormasyong ito ay nakasulat sa ating DNA.

Tulad ng isang papel, alam nating material yan. Ngunit, pag sinulatan mo na sya, ang iyong sinulat ay ang impormasyon. Hinde basta basta lumilitaw ang sulat sa isang papel maliban kung ikaw ay magsusulat. 

Ganun din sa DNA. Ang Diyos ay ang nagsulat ng codes at information na nag-didirect kung pano ang isang cell ay mamumuo bilang ilong, mata, kamay, buhok, at iba’t ibang parte ng katawan.

Makikita natin na talagang napaka-imposible ang Theory of Evolution na mangyari at ang tanging explanation lamang ng ating existence ay ang existence of God.

Ika-anim na pruweba: Mga natupad na mga propesiya

Alam mo ba kaibigan na malaking parte ng ating Bibliya ay tungkol sa mga propesiya? Katunayan may libo-libong mga propesiya ang mababasa natin sa Bibliya at karamihan nito ay naganap na!

Sa sobrang dami ng mga natupad na propesiya, hinde ko kayang isiwalat sa inyo dito ngayon. Pero, bibigyan ko kayo ng mga halimbawa.

Ang propesiya na mababasa natin sa aklat ni Daniel tungkol sa mga kaharian sa lupa ay natupad sa pagtakbo ng panahon. Sa aklat nya, pinakita ng Diyos ang apat na kaharian na syang magiging malakas na nasyon sa ibabaw ng mundo. Heto ay ang Babylonian Empire, Medo-Persian Empire, Graeco-Macedonian Empire, at Roman Empire. Ang mga kahariang ito, mula sa Babylonian Empire, ay nasulat na sa Bibliya libo-libong taon bago pa sila nagsimula!

Heto pa, ang mga propesiya tungkol sa ating Tagapagligtas na si Yahshua o mas kilalang Hesus ay nakakamangha din. Ayun sa isang pag-aaral, ang tsansang ang lahat ng propesiya tungkol sa Messiah na matupad sa iisang tao ay “one chance in one hundred million billion” o higit pa sa dami ng lahat ng tao na nabuhay at namatay dito sa lupa!

Makikita natin na ang mga propesiya sa Bibiliya ay hinde basta basta mga hula lamang na gawa gawa ng tao. Ito ay mga kaganapan na tanging ang Panginoon lang ang may alam at may kayang ipakita sa kanyang mga propeta at tuparin ang mga ito.

Ika-pitong pruweba: Mga natupad na mga dasal

Maraming mga dasal ang mga natupad dahil sa ating pananampalataya sa Diyos. Marahil, sa buhay mo, nasaksihan mo kung pano sinagot ng Panginoon ang iyong mga dalangin. May mga panahon na kung saan, di mo maipaliwanag ang nangyari. Walang ibang paliwanag ang iyong makita kundi ang pagmamahal ng Maykapal na syang tumupad ng iyong panalangin.

Maraming mga halimbawa ng answered prayers o yung mga natupad na mga dasal. Isang halimbawa nito ay si George Mueller. Namatay sya noong 1898 pero bago sya pumanaw, nataguyod nya ang limang malalaking bahay ampunan sa Bristol, England.

Ayun sa records, ang mga foundations at bahay ampunan ni Mueller ay nakalikom ng humigit kumulang 1,400,000 pounds o 7.2 billion pesos sa panahon natin ngayon.

At alam mo ba kung pano nya nagawa ito? Ang sagot, answered prayer. Katunayan, si George Mueller ay nagsimula sa iisang maliit na bahay ampunan lang. Lahat ng perang nagastos nya para sa pagkain, damit, at pagpapagawa ng mga gusali ay pawang galing sa mga donasyon. Sa panahon ng pangangailangan, tanging dasal lamang ang kanyang kinapitan. Kaya nga, ang kanyang munting bahay ampunan ay lumaki hanggang sa kaya nitong alagaan ang humigit kumulang na 10,000 orphans o ulilang mga bata.

Maaring marami ang nag-iisip na nagkataon lamang ang lahat. Pero, ang totoo, ang answered prayer ay isang resulta ng direktang blessing at favor mula sa Maykapal. Ang answered prayer ay isang resulta ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Ito ay nangyayari dahil sa ating pag dasal, paniniwala at paghingi ng kanyang kalooban sa bawat dasal na ating sasambitin.

Konklusyon

Sa pagtatapos ng ating programa ngayong araw, ako’y nananalangin na sana marami kang natutunan. Ang mga proofs o pruweba ng existence of God ay hinde maikakaila.

Merong Diyos, kaibigan, at ang Diyos na ito ay nagnanais na magkaroon ng isang malapit na relasyon sayo. Nais nyang ipakita na sya ang Diyos at iyong Ama na handang patawarin ka sa iyong mga kasalanan at tulungan kang magbagong buhay at mamuhay ayun sa kanyang kalooban.

Ninanais ko na lahat tayo ay parehong masasabi ang sinulat ni Job sa Job 19:25:

“Pero alam kong buhay ang aking Tagapagligtas at sa bandang huli ay darating siya rito sa lupa para ipagtanggol ako.”

Oo, merong Diyos at darating ang panahon na babalik ang ating Tagapagligtas upang itaguyod ang kaharian ng ating Ama at sa wakas ay magkakaroon na ng matiwasay na pamumuhay ang bawat isa.