10 Paraan Upang Manatiling Tapat ang Iyong Pagmamahal

Sa panahon natin na kung saan maraming nagtataksil sa kanilang minamahal, tila ba ang hirap na manatiling tapat sa kani-kanilang asawa.

Marahil, ikaw mismo, may kakilala kang naki-apid sa iba at hindi naging wagas ang pagmamahal. Bilang resulta, hindi lamang relasyon ang nawasak, kundi pati na ang pamilyang ini-ingatan.

Hindi lamang ang magkarelasyon ang nasasaktan, kundi pati na ang mga taong nakapalibot sa kanya.

Kaya, ngayong araw, hayaan nyo akong ibahagi sa inyo ang 10 paraan upang manatiling tapat sa iyong relasyon.

1. Huwag magtago ng sekreto

Kung nais mong manaig ang pagtitiwala sa isang relasyon, huwag na huwag kang magtatago ng sekreto. Kung meron ka mang sekreto ngayon, oras na upang ipagtapat mo ito sa kanya. Kung ito man ay nakakahiya, sabihin mo pa din. Kung ito man ay makakasakit, sabihin mo pa din. Dito masusukbukan ang inyong pagmamahalan.

Dapat alam ng mahal mo ang password ng cellphone mo. Dapat malaya syang nakakabasa ng mga chats mo sa Messenger. Dapat alam niya kung nasaan ka, saan ka pupunta, o sino kasama mo.

Lahat ng ito ay magpapatibay pa ng pagtitiwala nyo sa isa’t isa.

2. Huwag mag-sinungaling

Ika nga, “Kapatid ng magnanakaw ang sinungaling.” Pag nagsisinungaling ka, ninanakawan mo ang iyong mahal ng kanyang karapatan na malaman kung sino ka talaga. Ang pagsisinungaling ay hindi lang makakasira ng trust kundi ito ay sinyales ng iyong disloyalty sa inyong relasyon.

3. Iwasang magkaroon ng “special friend”

Kung ikaw ay nasa isang exclusive relationship na, hindi na patas magkaroon ka ng “special friend” from the opposite sex. Ibig kung sabihin ay kung ikaw ay lalaki, you should spend significantly less and even NO time with a special girl friend. Ganun din sa mga babae.

Hindi mo pwede idahilan na, “Ay, kaibigan ko lang yun.” The mere fact na kailangan mong ipaliwanag mo ang sarili mo sa iyong kinakasama ay ibig-sabihin, it could lead to potential problems in the future.

Hindi ko sinasabing dapat wala ka ng ibang kaibigan. You simply need to set boundaries with your friends.

4. Iwasang maging mag-isang magkasama with a person who is of the opposite sex

Kahit alam mong wala kayong ginawagang masama, iwasan na mag-isa lang kayo sa isang closed space tulad ng kwarto. Kung kailangan mong makipag-meeting, lagi mong piliin to work in a group. Kung hindi talaga maiwasang kayo lang dalawa, do your meeting in an open space na maraming tao ang makakakita.

5. Huwag manood ng pornography

Ang pornography ay isang anay na lihim na sinisira ang inyong pagsasama. Kung tunay mong mahal ang iyong sinisinta, you will not fulfill your sexual desires sa ibang bagay tulad ng pornography.

Huwag mong isisipin na harmless entertainment ang pornography. Hindi lang ito sisira sa tunay na layunin ng sekswalidad, kundi ito ay maituturing na kasalanan sa mata ng Diyos.

6. Huwag na huwag mong isiping magtataksil ka

“DON’T EVER THINK ABOUT IT!” Kahit sa hinagap, huwag na huwag mong iisipin na magktataksil ka. Sa unang pagkakataon na maisip mo ito, kaagad mong iwakli sa isip mo. Hingiin mo ang tulong ng Diyos na ikaw ay manatiling tapat.

Hinding-hindi mong gugustuhin ang pwede mangyari sa iyo kapag ikaw ay magsisimulang magtaksil. Oo, sa una, pwedeng masiyahan ka, pero, sa huli, it’s not worth it. 

Lahat ng kakilala kong nagtaksil ay hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang desisyon. Nagsisi man sila o hindi, hindi maikakaila na mas maganda pa ang kanilang buhay nung naging tapat sila kesa nung nagtaksil sila.

7. Laging isama ang iyong asawa sa usapan

Kung ikaw ay lalaki at may kausap kang babae, lagi mong isali sa usapan ang iyong misis. “Ay, oo, hilig din ng asawa ko yan.” “Ay, ganyan din yung naramdaman ng asawa ko.” “Oo nga, isasama ko yung mag-ina ko sa pasyal namin.”

Sa tuwing sinasali mo sa usapan ang misis mo, parang sinasabi mo sa kausap mo na you are already taken. You are already committed. Yung pagkakataon na sana magtataksil kayong dalawa ay bigla humina at nawala kasi lagi mong pinapaalahanan ang iyong saril at iyong kausap na may asawa ka na.

8. Iwasan ang mga sitwasyong masama tignan

Minsan naiisip natin na wala tayong masamang ginagawa pero masama tignan ang ginagawa natin. Halimbawa, kung ikaw ay lalaki, matino bang manood ka ng sine kasama ang iyong kaibigang babae? Kung ikaw ay babae, okay lang ba na you are with a man sa isang hotel? Kahit alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama, huwag mo ng gawin dahil masama itong tignan.

Isa pang halimbawa ay ang pagpapasakay sa iyong kaibigang babae sa kotse mo. Palalahanan mo sya na ang frontseat ay specially reserved sa asawa mo. Ganun din sa pagmomotor. Mas mainam pang pasakayin mo sa taxi ang kaibigan mong babae kesa sa paangkasin mo sya sa motor mo.

9. Iwasan na ang pagkakaroon ng crush

Kung ikaw ay nagkakaroon pa ng crush sa ibang tao, huminto ka. Lalo na sa mga lalaking may crush na artista, ihinto mo na ang magpapantasya. 

May kakilala akong mga lalaking may crush kay Ivana at sinasabi pa nila ito sa asawa nila. Aminin man nila o hindi, ito ay hindi nakakabuti sa kanilang relasyon. Kung ikaw ay kasal na, wala ka na dapat ibang pagpantasyan kundi ang iyong asawa.

10. Magpakasal ka

May nakita akong sikat na artista na nagsabing “modern” na daw ang “live in.” Sabi nya yung cohabitation o yung pagsasama kahit hindi pa kasal ay normal na lang sa panahon natin.

Huwag na nating lokohin ang sarili natin. Ang gusto ng mga lalaki ay sex. Ang gusto ng mga babae ay commitment. Sa tingin mo ba, kung ibibigay mo ang sex sa lalaki, mananatili itong committed sayo? Alam mo, beauty is not forever.

Itanong mo yan sa mga artistang magaganda na nga, pero iniiwan pa din ng kanilang “partner.”

Ang kasal ay hindi lamang isang “papel” o “kontrata.” Ito ay sumisimbolo na sa sobrang mahal mo yung tao ay handa kang magpatali sa kanya. 

Kung hindi kaya ng isang lalaki magpakasal sayo, paano ka nakakasiguro na wagas ang kanyang pagmamahal? 

Maging tapat sa iyong pangako

Walang relasyon ang perpekto. Habang tayo ay tao, magkakamali’t magkakamali tayo. Ngunit, walang anumang dahilan sa langit o lupa na pwede mong gamitin upang bigyan ng katwiran ang pagtataksil.

Kung nais mong matotoo pa ng mas maraming spiritual na kaalaman, please join my FREE exclusive class entitled, “What is the meaning of life?” It only lasts for 25 minutes but you’ll bring its many lessons in a lifetime. You can take up the class any time. Sign up na po. Click nyo lang po tong link to register: https://bit.ly/38SLVOK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.